Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (July 10), pumalo na sa 1,467,119 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 49,968 o 3.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,675 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.4 porsyento ang asymptomatic; 1.68 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 96 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 25,816 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,552 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,391,335 o 94.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.