Ang naturang ulat ay may pamagat na ‘Improving student learning outcomes and well-being in the Philippines: What are international assessments telling us?’.
“Higit pa sa pag-amin sa pagkakamaling hindi napansin, inaasahan naming ang pahayag ng WB ay malinaw na nagbigay-diin sa pangako at konkretong mga hakbang na ginagawa ng Kagawaran, kasama na ng aming mga partner, upang malutas ang matagal nang mga isyung nakasasama sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas,” pahayag ng kagawaran.
Naunang nagpahayag si Education Secretary Leonor Briones dahil nainsulto at napahiya aniya ang kagarawan.
Dapat aniyang mag-sorry ang World Bank dahil hindi man lang kinunsulta ang kanilang hanay.