Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (July 10), 28,791 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,413 ang aktibo pang kaso.
114 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 27,301 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 77 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES