Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.03 milyon na

Lagpas 4.03 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,035,175 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 622,708.

Sumunod na rito ang Brazil na may 531,777 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 407,173 naman ang death toll sa India habang 234,675 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 193,909
– Russia – 141,501
– United Kingdom – 128,365
– Italy – 127,756
– Colombia – 111,731
– France – 111,302
– Argentina – 98,148
– Germany – 91,740

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 186,838,796 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 170,885,708 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...