Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang M6.1 quake sa Indonesia – Phivolcs

Siniguro ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas makaraang tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Indonesia.

Naramdaman ang malakas na lindol sa bahagi ng Talaud Islands dakong 8:43 ng umaga.

May lalim na 70 kilometers ang naturang lindol.

Wala namang agarang napaulat na pinsala sa naturang lugar.

Read more...