Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 304 kilometers Southeast ng Sarangani.

Naramdaman ang malakas na lindol bandang 8:51 ng umaga.

97 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala ngunit asahan ang aftershocks.

Read more...