Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista Bautista, haharapin niya ang posibleng impeachment case o anumang reklamo na ihahain laban sa kanya.
Pero muling iginiit ng opisyal na ang website ng Comelec ay matagal nang nabuo, bago pa man daw siya maitalaga bilang Chairman ng poll body.
Sa panig naman ni Commissioner Rowena Guanzon, nirerespeto niya ang karapatan ng mga tao na magsampa ng reklamo, lalo’t kung naaayon ito sa batas.
Nauna nang humingi ng tawad ang Comelec sa publiko lalo na sa mga botante dahil sa data leak o pagkakalantad ng mga sensitibong impormasyon gaya ng pangalan, address at kaawaran.
Sa ngayon, wala na ang website at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sino ang mga responsible sa data leak.