Pagdaraos ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night sa Araneta Coliseum, aprubado na

Binibining Pilipinas Facebook photo

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang pagsasagawa ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa July 11, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na sumunod sa safety health protocols na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.

Ayon kay Roque, kinakailangang sumailalim din sa RT-PCR test ang lahat ng mga lalahok at bisita sa Binibining Pilipinas.

Dapat aniyang isagawa ang RT-PCR test 48 oras bago ang Coronation Night.

“Also approved is the holding of the Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night at the Smart Araneta Coliseum strictly following the submitted health and safety protocols. All participants and guests shall be required to undergo COVID-19 RT-PCR Test 48 hours prior to the event,” pahayag ni Roque.

Read more...