Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (July 9), pumalo na sa 1,461,455 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 51,902 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,881 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.4 porsyento ang asymptomatic; 1.56 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 70 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 25,720 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,003 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,383,833 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.