Muling nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda na pagtibayin sa panukalang Taal Eruption Recovery Rehabilitation and Adaptation (TERRA) Act.
Kasunod ito ng muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Layon ng panukala na makabuo ng pangmatagalang socioeconomic reconstruction program para sa mga komunidad na direktang apektado ng pag-aalburoto ng Taal.
Sinabi ng mambabatas na layon nitong mahimok na magkaroon ng development sa labas ng danger zone sa pamamagitan ng paglalagay ng infrastructure support, economic incentives, at policy direction.
Ibinase ni Salceda ang TERRA Act sa Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi (Guicadale) Economic Township sa Albay.
Itinutulak din sa panukala ang safe, sustainable at long-term development na South of Manila Growth Corridor (SMGC) sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagtatayo ng mga imprastraktura gayundin ang mapping ng ligtas na lugar para sa industrial, commercial, at residential development.
Gayunman, aminado naman si Salceda na posibleng ang susunod na adminsitrasyon na ang makapagpatupad nito sakaling maisabatas ang panukala.