Si Binay ay naka-asul, si Duterte ay naka-suot ng brown na polo, habang puti muli ang suot na dress ni Poe. Si Roxas ay naka-dilaw na polo, at si Santiago ay mukhang masigla sa kulay na pula.
Ang Commission on Elections o Comelec ang sponsor ng debate, katuwang ang media partners na ABS-CBN at Manila Bulletin.
Town-hall ang format ng debate, na isinasagawa sa University of Pangasinan, na tatagal ng tatlong oras.
Kabilang sa mga paksa sa debate ay: foreign policy, kalusugan, jobs o trabaho, trapiko, edukasyon at Overseas Filipino Workers o OFWs.
Mala-fiesta rin ang sitwasyon sa bahagi ng venue ng debate, lalo’t kanya-kanyang diskarte at pakulo ang mga supporter ng limang Presidentiables.
Ang Pangasinan ay isa sa mga lalawigan na ‘vote rich’ kaya naman nililigawan ng husto ng mga kandidato sa pagka-Pangulo.
Batay sa datos, pangatlo ang Pangasinan sa mga probinsya na may pinakamaraming registered voters na nasa mahigit 1.7 million.