Anak ni Mayor Duterte, na starstruck kay Santiago

 

Screengrab mula sa FB

Umaani ngayon ng libu-libong likes at comments ang Facebook post ng lalaking anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Sebastian, kung saan kasama niya sa litrato si Senadora Miriam Defensor Santiago.

Inamin ni Sebastian na tagahanga siya ng Senadora, kalaban ng kanyang tatay sa presidential race.

Ani Sebastian, maswerte’t nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama sa iisang picture si Santiago.

Captivated din aniya siya sa presensya ni Santiago, at halos hindi niya malaman ang dapat gawin.

At nang hawakan ng lady solon ang kanyang braso, sinabi ni Sebastian o kilala rin bilang ‘Baste’ na napangiti raw ang kanyang puso.

Dagdag ni Baste, bihira raw siya na ma-starstruck ngunit iba raw talaga si Santiago, na kanyang hinahangaan dahil sa pagiging ‘real conributor’ nito para sa kabutihan ng bansa.

May PS pa si Baste kay Santiago na: ‘Bring the best out of Mayor Rodrigo Duterte, give him the fight of a lifetime.’

Read more...