Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ngayon ay may maayos ng sistema ang mga lokal na pamahalaan para sa records ng mga nabakunahan na nila.
Aniya dapat nakakatiyak na napangangalagaan ang integridad ng record-keeping system para sa mga magsasamantala o mang-aabuso.
“We trust that local government units have installed a reliable system in place to identify those who have been inoculated against the virus,” Poe said in a statement.
Dapat din aniya mapanatiling confidential ang mga personal na detalye ng nabakunahan, maging ang kanyang kondisyong pangkalusugan.
Dagdag pa ni Poe kailangan ay maayos din ang mga ibinibigay na vaccine cards alinsunod na rin sa COVID 19 Vaccination Program Act.
“The vaccine cards will play a key role in reestablishing our global connectivity, facilitating travels and employment, and reviving the economy to help our people turn the corner,” sabi pa ng senadora.