Nakisimpatiya at kinaawaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang limang food delivery riders matapos maloko at nag-deliver ng mga pagkain sa kanyang opisina sa City Hall.
Ginamit ang pangalan ni Moreno para sa pag-order online at pag-deliver ng mga pagkain sa kanyang opisina.
Pawang international numbers ang ginamit sa pag-booked sa magkakaibang delivery apps.
Napadukot na lang si Moreno sa sariling bulsa at binayaran ang food deliveries, bago ipinamahagi ang mga pagkain sa mga kawani.
“Alam naman po natin na marami ang gusto lang maghanapbuhay nang tapat at marangal. Huwag na natin sila i-prank, pagtripan o i-harass sa mga pekeng deliveries natin. This is not a laughing matter,” diin ng alkalde.
Isa mga nagpadeliver ay may mensahe pa na; “pakidala po sa mayors office thank you pa assist nlang po kayo.”
Nakipag-ugnayan na rin ang Office of the Mayor sa Manila Police District – Cybercrime Division para maimbestigahan ang insidente, samantalang ang Grab ay magsasagawa din ng sariling imbestigasyon.