‘Bansa, muling aasenso sa oras na manalo si Bongbong’ – Mrs. Marcos

 

Inquirer file photo

Tiwala si dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos na muling gaganda ang lagay ng bansa kapag nahalal ang kanyang anak na si Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang susunod na bise presidente.

Ayon kay ginang marcos, may sapat na pag iisip, puso at malasakit sa mga Filipino ang kanyang anak kung kaya batid nito ang solusyon sa mga problema ng bansa.

Hindi naiwasan ni Gng. Marcos na magbalik-tanaw na kinidnap umano ang mga Marcos sa Amerika may tatlumpong taon na ang nakararaan.

Simula aniya nang mawala sa panunungkulan ang asawang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., nalugmok ang Pilipinas dahil ang ma sumunod na namuno sa bansa ay wala nang pagmamahal at malasakit sa sambayanag Filipino.

Bukod kay Senador Marcos, ikinampanya rin ni Gng. Marcos ang kanyang pamangkin na si Congressman Martin Romualdez na kumakandidatong senador pati na ang kanyang asawa na si Yedda Romualdez na kumakandidato naman bilang kongresista ng Leyte.

Ikinampamya rin ni Gng. Marcos si mayoralty candidate Cristina Gonzales na asawa ng kanyang pamangkin na si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Read more...