WATCH: 500,000 residente sa Batangas, ililikas kapag umabot sa worst case scenario ang aktibidad sa Taal – NDRRMC

Photo grab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Aabot sa kalahating milyong residente sa Batangas ang ililikas kapag umabot na sa worst case scenario ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa pagbisita ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad, maidedeklara ang worst case scenario kapag itinaas na ng Phivocs sa Alert Level 4 ang bulkan.

Narito ang pahayag ni Jalad:

Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Ayon kay Jalad, nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga karatig probinsya para tanggapin ang evacuees.

Maari aniyang ilagay ang evaccues sa Cavite, Laguna, at Quezon.

Tiniyak naman ni Jalad na sapat pa ang pondo ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng residente.

Personal na binisita ni Jalad ang evaccues sa Agoncillo pati na sa Barangay Banyaga na isa sa mga barangay na pinakamalapit sa paanan ng bulkan.

Read more...