DPWH magkakaroon muli ng weekend road reblocking sa EDSA, C5

Abiso sa mga motorista.

Magkakasa muli ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang road reblocking at repairs bandang 11:00, Biyernes ng gabi (July 9).

Narito ang mga maaapektuhang kalsada:
1. EDSA Caloocan-K0010+(-942)-K0010+666
2. C-5 Road Katipunan – B. Serrano Tunnel (ikatlong lane mula sa sidewalk)
3. C-5 Road bago ang Rajah Matanda (ikatlong lane mula sa sidewalk)

Maari muling daanan ang mga nasabing kalsada simula 5:00, Lunes ng madaling-araw, July 12.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...