LOOK: Site inspection sa Laurel, Batangas at maritime patrol sa Taal Lake

Photo grab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng site inspection ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Laurel, Batangas araw ng Huwebes, July 8.

Pinangunahan ang inspeksyon ni NDRRMC Executive Director and Civil Defense Administrator, Undersecretary Ricardo Jalad kasama si PCG Station Batangas Commander, Captain Geronimo Tuvilla.

Layon nitong matingnan ang kalagayan ng mga fish cage sa bahagi ng Barangay Buso-Buso at Barangay Banyaga.

Samantala, nagsagawa naman ang PCG ng maritime patrol sa bisinidad ng Taal Lake.

PCG photo

Bandang 6:47 ng umaga, iniulat ng Phivolcs ang phreatomagmatic burst sa Taal Volcano.

Patuloy ang babala ng Phivolcs sa mga residente at lokal na pamahalaan na maging alerto sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang naturang bulkan.

Read more...