123 pang pulis, tinamaan ng COVID-19; Isa nasawi

Nasa 123 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (July 8), 28,625 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,460 ang aktibo pang kaso.

139 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 27,089 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 76 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...