Ibinahagi ni Senator Richard Gordon na wala pa siyang natatanggap na kahilingan o wala pang naihain na resolusyon para makapagsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Blue Ribbong Committee sa mga naging alegasyon ni Senator Manny Pacquiao.
Sinabi pa ni Gordon na wala rin anumang dokumento ukol sa mga alegasyon ang naibahagi sa kanya.
Aniya seryoso ang mga alegasyon ni Pacquiao, ngunit diin ni Gordon kailangan naman munang malaman nila kung ano ang partikular na iimbestigahan ng komite.
“It cannot go willy-nilly into any battlefield without knowledge of the what, the who, the when and the damage it caused the government. Unfortunately, we have yet to see the specificity of the allegations,” diin ni Gordon.
Bagamat, pag-amin niya na maaring silang magsagawa ng motu-propio na pagdinig kinakailangan pa rin aniya na malaman nila ang mga partikular na detalye ng mga alegasyon.
“The tremendous powers of the Blue Ribbon Committee cannot be exercised in a cavalier fashion that could only lead to abuse. We are not in the business of chasing ghosts. We are in the business of doing what is right,” giit ng senador.