Halos lumubog na ang M/V Palawan Pearl matapos makabanggaan sa bahagi ng Manila Bay sa Baseco, Maynila ang dredger BKM 104 kaninang madaling araw.
Sa ngayon, ayon sa Philippine Coast Guard, naghahanda na ang kanilang Marine Enviromental Protection Force para sa paglalatag na apat na segment ng oil spill boom bilang contingency measure.
Base sa paunang ulat, nangyari ang insidente alas-2:10 ng madaling araw sa may South Harbor Anchorage area, na may 100 metro ang layo sa Baseco Beach.
Ipinadala na ng PCG ang BRP Panglao para makapagsagawa ng initial assessment bilang bahagi ng pag-iimbestiga sa insidente.
Wala pang karagdagang detalye ukol sa kondisyon ng mga tripulante ng dalawang sasakyang-pantubig.
MOST READ
LATEST STORIES