Ombudsman hindi na hihirit sa pagbasura sa graft cases ni Sen. Bong Revilla

Wala ng balak ang Office of the Ombudsman na iapila pa ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian na isinampa laban kay Senator Ramon Revilla Jr.

Sa inilabas na pahayag ng Ombudsman, nagpasya na sa botong 3-2 ang Sandiganbayan 1st Division sa inihain demurrer to evidence na inihain ng kampo ng senador.

“The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence and we respect its decision, consistent with the defendant’s constitutional right against double jeopardy,” ayon sa pahayag ng Ombudsman.

Sinabi din na nagtakda ng mga polisiya si Ombudsman Samuel Martires para hindi na hamunin pa ang mga pagbasura sa mga kaso sa pamamagitan ng paghahain ng mosyon sa Sandiganbayan, maliban na lang kung malinaw na hindi nasunod ang ‘due process’ o nagkaroon ng ‘mistrial.’

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon noong 2014 na nakinabang si Revilla sa kanyang Priority Development Assistance fund sa pamamagitan ng bogus non-governmental organization ni Janet Napoles.

Pinagbintangan si Revilla na nakinabang sa P224.5 milyong ‘kickback.’

Read more...