Inutang ng Duterte-administration umabot na sa P11T, pinababantayan ni Sen. Leila de Lima

 

Nagbilin si Senator Leila de Lima sa sambayanan na bantayan ang paggasta ng P11 trilyon inutang ng administrasyong-Duterte,

Bukod dito aniya ay subaybayan din ang patuloy pang pag-utang ng kasalukuyang gobyerno sa katuwiran na ang sambayanan ang babalikat ng mga ito.

“Duterte’s debt spree must be kept in check considering his infamous sly of tactics and his minions’ ineptitude, negligence and failure of coming up with a solid, well thought-out fiscal plan,” ayon kay de Lima.

Pagdidiin ni de Lima, ang kaliwat-kanang pag-utang ay kontra sa madalas na rin sabihin ni Pangulong Duterte na may sapat na pondo ang bansa.

Ibinahagi ng senadora na bago pa ang pandemya, panay ang utang na ng gobyerno para sa ‘Build,Build, Build’ program ng gobyerno.

Sinabi pa nito na marami naman sa mga natapos na infra projects ay sinimulan na ng administrasyong-Noynoy Aquino.

“With less than a year before our country’s nightmare under his administration ends, all they can brag about are PNoy administration infrastructure projects that they simply completed,” hirit pa ni de Lima.

Read more...