Biniling 60 electrical beds, ICU equipment hawak na ng Manila LGU

MANILA PIO PHOTO

Nasa kamay na ngayon ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang biniling 60 electrical beds gayundin ang ilang kagamitan para sa intensive care units (ICUs).

Sinabi ni Mayor Isko Domagoso ang mga bagong kagamitan ay inilaan para sa anim na district hospitals sa lungsod.

Aniya ang mga bagong hospital beds ay may fully-electric main controls at foot-end control panels.

“The very least we can do para sa ating mga health care workers ay bigyan sila ng maayos na mga gamit,” sabi ni Domagoso.

Dumating na rin ang biniling 72 ambu bags, 72 blood pressure apparatus, 43 glocometers, 18 opthalmoscopes, 31 stretcher beds, 79 suction machines at 59 tabletop pulse oximeters.

Diin ni Domagoso ang pagbili nila ng mga makabagong kagamitang-pang medikal ay bahagi ng programa para mapagbuti pa ang pagbibigay ng serbisyong-medikal sa mga Manilenyo.

Read more...