Sa pinakahuling datos, 4,017,050 na ang namatay sa sakit sa buong mundo.
Duda pa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus maaring mas mataas pa ang aktuwal na bilang at aniya nagdudulot pa rin ng matinding panganib sa lahat ang COVID 19.
Kasabay nito, kinastigo ni Ghebreyesus ang mga mayayamang bansa dahil sa pag-iimbak ng bakuna gayung maraming bansa ang nangangailangan nito.
Pinuna din niya na maraming bansa ang nagluwag na at nagbigay impresyon na tapos na ang pandemya.
Maraming bansa sa Asya, lalo na ang Indonesia at Vietnam, ang nakakaranas ngayon ng matinding pagsirit ng COVID 19 cases at marami ang nagpapatupad pa ng lockdown.
Base pa rin sa pinakahuling datos, 185,815,389 na ang kabuuang naitalang COVID 19 cases sa buong mundo at 170,072,038 ang gumaling.