Dahil nagdulot ng kalituhan at pangamba ang idineklara ng Malakanyang ukol sa mas maluwag na pagbiyahe ng mga fully vaccinated, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III aayusin pa muli ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Duque kung hinihingi pa rin ng lokal na pamahaalan, kinakailangan na magpakita ng negative swab test result ang isang turista o biyahero anuman ang kanilang vaccination status.
Ito aniya ay nakapaloob sa IATF Resolution No. 101.
“IATF Resolution No. 101 remains in effect, which affords the LGUs the flexibility to require a negative RT-PCR result before granting anyone entry to their locality,” ayon sa pahayag ng DOH.
Noong nakaraang araw ng Linggo, inanunsiyo ng Malakanyang na base sa IATF Resolution No. 124-B, maari nang ipalit sa testing requirements ang vaccination cards.
Ngayon araw, inaasahan na aayusin ng IATF at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang isyu.