Sinabi ni Ging Reyes, Head ng ABS-CBN News and Current Affairs, na dahil town hall ang format ng debate, asahan na raw na magiging kakaiba ito at exciting.
Kakaiba aniya dahil ang magtatanong ng direkta sa mga kandidatong Pangulo ay mismong mga botante mula pa sa iba’t ibang parte ng bansa o mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon pa kay Reyes, lahat ng mga kandidato ay sasagot sa ibabatong tanong.
Inaasahan din aniyang magiging mainit ang parte ng debate kung saan magkakaroon ng Face-off ang Presidentiables.
Nagkabunutan na ang mga kinatawan ng mga kandidato, subalit tumanggi na muna ang mga organizer na banggitin kung sino ang magtatanong kanino.
Mas pinahaba rin ang airtime ng ikatlong leg ng PiliPinas debates mula alas sais ng gabi hanggang alas nuebe ng gabi.