Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Casiple na dapat siyasatin ng mga otoridad at paimbestigahan maging ang mga naka-assign sa Information Technology o IT department ng ahensiya.
Naniniwala kasi si Casiple na hindi simpleng hacking lamang ang nangyari kundi para gamitin ito sa dayaan sa halalan sa Mayo a-nueve tulad na lamang ng dagdag-bawas.
Sinabi rin ni Casiple na hindi naman basta-basta mapapasok ng mga hackers ang website at data base ng Comelec kung walang tao na nagbigay-daan sa kanila para isakatuparan ang pananabotahe.
Naniniwala ang political analyst na malaki ang pananagutan ng Comelec sa batas sa pangyayaring iyon dahil sila pa naman ang naatasan na siguruhin na napoproteksiyunan ang right to suffrage ng mga Pilipino bilang kanilang constitutional duty.