Batay sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 4.1 porsyento ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Hunyo.
Positive development aniya ito dahil makakatulong ito sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ngunit, sinabi ng mambabatas na kailangan pa ring matugunan ang ilang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation.
Una rito, sinabi ni Salceda na bahagyang mataas pa rin ang 4.1 porsyentong inflation rate kumpara sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2 porsyento hanggang 4 porsyento.
Sa ngayon, hindi aniya kakayanin ng bansa ang biglang pagtaas ng contractionary interest rate dahil liliit ang tsansa ng paglago sa gitna ng panahon ng recovery.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng kongresista ang publiko na maging alerto sa anumang inflationary factors.
Umapela naman si Salceda sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na kumilos para maibaba na ang inflation sa bansa.