BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 1.45-M; 4,289 ang bagong naitala

Lagpas 4,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (July 7), pumalo na sa 1,450,110 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 47,519 o 3.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,289 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.1 porsyento ang asymptomatic; 1.68 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 164 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 25,459 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,399 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,377,132 o 95.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...