Pagdating ng 170,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Pilipinas, maaantala

Photo credit: @ntfcovid19ph/Twitter

Maantala ang pagdating sa bansa ng 170,000 doses ng bakuna konrta COVID-19 na gawa ng Sputnik V mula sa Russia.

Ayon sa pahayag ng National Task Force, nagkaroon ng problema sa logistics kung kaya hindi matutuloy ang delivery.

Sa araw ng Miyerkules, July 7 sana ang pagdating ng mga Sputnik V vaccine.

Sa ngayon, nasa 180,000 doses pa lamang ng Sputnik V ang nakukuha ng Pilipinas.

Read more...