WATCH: Sen. Risa Hontiveros, muling tatakbo sa 2022 elections

Photo grab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Kakandidatong muli sa pagka-senador si Senador Risa Hontiveros sa darating na 2022 national elections.

Ayon kay Hontiveros, makakasama niya ang halos anim na miyembro ng minority bloc sa Senado na sasabak muli sa eleksyon.

Welcome din para kay Hontiveros ang muling pagsabak sa senatorial race ni Atty. Chel Diokno.

Kumandidato si Diokno sa pagka-senador noong 2019 sa ilalim ng Liberal Party na Otso Diretso subalit natalo.

Kasabay nito, sinabi ni Hontiveros maisulong sana ang unified opposition sa susunod na eleksyon.

Narito ang pahayag ng senadora:

Read more...