Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 1,477

Nasa 90 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (July 7), 28,510 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,477 ang aktibo pang kaso.

162 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 26,958 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 75 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...