Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 185.39 milyon

Pumalo na sa 185.39 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 185,393,514 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,622,690 cases.

Sumunod na rito ang India na may 30,663,665 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 18,855,015 naman ang kaso sa Brazil habang 5,790,584 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 5,658,672
– Turkey – 5,454,763
– United Kingdom – 4,958,868
– Argentina – 4,574,340
– Colombia –  4,402,582
– Italy – 4,264,704
– Spain – 3,880,612
– Germany – 3,739,555
– Iran – 3,286,923

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,009,283 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 169,736,766 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...