Sen. Risa Hontiveros, Mayor Isko Moreno nagbigay ng libreng serbisyong-pangkalusugan

CHONA YU – RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Magkatuwang na nagbigay ng libreng serbisyong-medikal sina Senator Risa Hontiveros at Mayor Isko Moreno sa Sta. Mesa, Maynila.

Dinala ni Hontiveros ang Healthy Pinas Mobile Clinic sa Barangay 600 Zone 59.

Kabilang  sa mga ibinibigay na serbisyo ay blood chemistry test, x-ray, ultrasound, ECG, libreng gamot at konsultasyon.

Bukod dito ay namahagi din siya ng libreng reading glasses.

Umaasa ang senadora na sa pamamagitan ng kanyang Healthy Pinas Mobile Clinic, na Bayanihan on Wheels project, ay mas marami pang Filipino ang matututulungan sa pamamagitan ng mga serbisyong-medikal.

Aniya kailangan na malusog at masiglang pangangatawan para makapaghanapbuhay kahit ngayon nahaharap sa pandemya ang bansa.

Humigit kumulang 300 residente ang mabibiyayaan sa proyekto ni Hontiveros at Moreno.

Read more...