Aniya komplikado ang sitwasyon dahil sa nagkasabay pa ang banta ng COVID 19 at ang maaring pagputok ng bulkan.
Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng DOH, DSWD at mga lokal na pamahalaan na ligtas ang mga lumikas na bata sa kanilang kinalalagyan bukod pa sa dapat nakakatiyak na naibibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, partikular na ang masustansiyang pagkain, malinis na tubig, gamot at sanitary and hygiene kits.
Paalala ng senador ang mga ito ay nakasaad sa RA 10821 o ang Children;s Emergency Relief and Protection Act at kinakailangan ay makapagkasa ang DSWD ng Comprehensive Emergency Program for Children (CEPC).
Nang sumabog ang Bulkang Taal, ayon kay Gatchalian, halos 124,000 bata ang naapektuhan base sa datos ng grupong Save the Chilldren.
Idinagdag pa ni Gatchalian na sa tuwing may kalamidad nalalantad ang mga bata at kabataan, lalo na ang mga babae, sa pang-aabuso at diin niya ito ang dapat na hindi mangyari.