Sen. de Lima may hirit kay Pangulong Duterte ukol sa 25% income tax ng private schools

Naghain ng resolusyon si Senator Leila de Lima para hikayatin si Pangulong Duterte na suspindihin ang pagpapatupad ng Revenue Regulation N. 5-2021 ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Layon ng regulasyon ng patawan ng 25 porsiyentong corporate income tax ang mga pribadong paaaralan base sa Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprises (CREATE) Act.

Paliwanag ni de Lima sa kanyang resolusyon, nararapat na ang pagpapatupad ng mga probisyon sa CREATE Act ng kinauukulang ahensiya ay kinakailangan naayon sa dahilan o motibo sa paggawa ng batas.

Diin ng senadora, layon ng CREATE Act na matulungan ang mga negosyo, partikular na ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), na mapasigla muli ang kanilang negosyo ngayon nahaharap pa rin ang bansa sa pandemya.

Aniya kapag naipatupad ang regulasyon ng BIR, tiyak na maraming pribadong paaralan ang magsasara

Binanggit nito na base sa datos mula sa DepEd, 865 private schools sa bansa ang tumigil ang operasyon simula noong nakaraang taon at 4,400 guro ang naapektuhan.

Read more...