Bumagsak na C-130 iginiit ng Philippine Air Force na hindi ‘overloaded’

Pinawi ng Philippine Air Force (PAF) ang mga pagdududa na ‘overloaded’ ang bumagsak na C-130 Hercules transport plane, na ikinasawi ng 53 sundalo at sibilyan.

Sa inilabas na pahayag ng PAF, sinabi na 120 pasahero ang maximum capacity ng C-130 at ang bumagsak na eroplano ay may sakay lamang na 96, kabilang na ang 11 nilang tauhan.

“The said C-130 was not overloaded. It was well within the operational limits and  capacity when it left Laguindingan Airport with 96 passengers compared to its  maximum capacity of 120 passengers; this is contrary to the circulating rumor that the aircraft was overloaded,” ayon sa pahayag kagabi ng PAF.

Pagdidiin din ng PAF, nang maupo si Lt. Gen. Allen Paredes bilang kanilang commanding general noong nakaraang taon, agad nitong ikinasa ang Safety Transformation for Enhanced Performance and Unit Preservation  o STEP UP program para sa mas ligtas nilang operasyon lalo na sa pagpapalipad ng kanilang aircrafts.

Samantala, kahapon ay naibalik na sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga ang mga labi nina Capt. Nigelio Emeterio at TSgt. Mark Anthony Agana mula sa Zamboanga City.

 

Read more...