Sen. Bong Go bumuwelta kay dating Sen. Trillanes sa negosyo ng mga magulang sa Philippine Navy

Sino ang walang delicadeza?

Ito ang buweltang tanong ni Senator Christopher Go kay dating Sen. Antonio Trillanes IV nang ipaalala ng una ang pagne-negosyo ng kanyang mga magulang sa Philippine Navy.

Diumano naging suppliers ang mga magulang ni Trillanes sa Philippine Navy.

Reaksyon ito ni Go sa pahayag ni Trillanes na ang senador at si Pangulong Duterte ay dapat kasuhan ng pandarambong dahil sa P6.6 bilyong halaga ng kontrata na nakuha ng ama nito at kapatid sa pamahalaang-luingsod ng Davao maging sa ilang pamahalaang-panglalawigan ng Davao.

Pagdidiin ni Go kahit minsan ay hindi niya tinulugan ang sinomang kaanak.

Ngunit aniya hindi naman niya dapat pigilan ang mga ito na pumasok sa lehitimo at legal na pagnenegosyo.

‘’Noong nagtatrabaho pa ako sa city hall, sinabihan ko ang aking pamilya na huwag silang lumapit sa City Hall dahil kapag lumapit sila, aalis ako sa aking trabaho. Ang ibang tao ay nakakalapit sa akin para humingi ng kahit anong tulong, basta nasa tama, tutulong po ako. Pero ang pamilya ko, hindi yan nakakahingi ng anong pabor mula sa akin,” pagdidiin ni Go

Aniya inuulit lang ni Trillanes ang mga lumang alegasyon dahil sa pamumulitikan at dahil nalalapit na ang eleksyon sa susunod na taon.

Ipinaalala din niya ang kanyang naging hamon na kapag napatunayan ang mga alegasyon sa kanya ay agad siyang magbibitiw sa puwesto.

Read more...