Ang survey ay ginawa noong April 12-17, at tinanong sa apat na libong respondents na ‘Kung ang darating na eleksyon sa Mayo 2016 ay gaganapin ngayon, sino ang inyong iboboto bilang PRESIDENTE NG PILIPINAS?’
Number 1 si Duterte na nakakuha ng 34%; at sinundan ni Senadora Grace Poe sa 22%.
Halos dikit naman sa naturang survey sina Vice President Jejomar Binay sa 19%; at dating DILG Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 18%; habang nasa ika-limang pwesto si Senadora Miriam Defensor Santiago na mayroong 2%.
Hindi naman nasakop ng Pulse Asia survey period ang ‘rape remark’ ni Duterte.
Samantala, napanatili rin ni Senador Bongbong Marcos ang pangunguna sa hanay naman ng Vice Presidentiables.
Base sa Pulse Asia/ABS-CBN survey, si Marcos ay nakakuha ng 29%, sinundan ni Congresswoman Leni Robredo sa 23%; at Senador Francis Escudero, 20%.
Pang-apat si Senador Alan Peter Cayetano na mayroong 16%; Senador Gringo Honasan sa 4% at ang huli ay si Senador Antonio Trillanes IV sa 3%.