Pangulong Duterte binalaan ng aresto at kaso ang mga magbebenta ng COVID 19 vaccines

Arestuhin, imbestigahan at kasuhan.

Ito ang utos ni Pangulong Duterte sa mga awtoridad kaugnay sa napapa-ulat na bentahan ng bakuna laban sa COVID 19.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nakaka-alarma ang mga ulat sabay kondena sa mga gumagawa nito.

Pagdidiin niya hindi dapat pinalalagpas at maparusahan ang mga sangkot sa bentahan ng COVID 19 vaccines.

Binigyan diin nito na ang bakuna ay libre sa bansa dahil ang gobyerno ang bumibili nito.

Babala niya sa mga mangangahas na magbenta ng mga bakuna na pagsisihan nila ang kanilang gagawin kapag sila ay nahuli.

Kamakailan, isang nurse ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang inaresto ng mga ahente ng NBI sa isang entrapment operation dahil sa pagbebenta ng milyong-milyong pisong halaga ng Sinovac vaccines.

Read more...