Ayon kay Fire Senior Insp. William Montera, bandang alas-10:45 kagabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Judge A. Roldan Street.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil gawa ang mga ito sa kahoy at light materials.
Nagpahirap pa sa mga bumbero ang masikip na kalsada sa lugar at hindi kaagad nakapasok ang mga fire truck at dahil dito mabilis din naubusan ang mga ito ng suplay ng tubig.
Dakong 2:13 ng madaling nang maideklarang fire out ang sunog na tumupok sa halos 30 na bahay.
Tinatayang aabot sa 1.2 milyong piso ang halaga ng tinupok ng apoy habang isang residente ang nasugatan sa paa.
Nasa 40 pamilya naman ang nawalan ng tirahan na pansamantalang manunuluyan sa San Roque National High School habang wala pa silang malilipatang lugar.
Electrical overloading o jumper connection ang isa sa tinitignan dahilan ng BFP na dahilan ng sunog.