Nonito Donaire Jr. wagi kontra Zsolt Bedak

DonaireTumagal lamang ng tatlong round ang laban nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. at Hungarian boxer Zsolt Bedak na ginanap sa Cebu City Sports Complex kagabi, araw ng Sabado.

Ipinahinto ng referee na si Russl Mora ang laban sa 2.44 minutes ng third round.

Ito ay dahil sa right straight na tumama kay Bedak mula sa napakalakas na suntok ni Donaire na nagpagbasak sa Hungarian sa ikatlong pagkakataon.

Sa ikalawang round pa lamang ng laban nagpakawala na ng magkapatid na left hook at uppercut si Donaire na nagpagbagsak kay Bedak sa unang pagkakataon.

Bago hampasin ang bell para sa pagtatapos ng second round, mala-halimaw naman na left hook ang pinakawalan ni Donaire na muling nagpabagsak kay Bedak.

Dahil sa pagkapanalo ni Donaire, napanatili nito sa kanyang mga kamay ang World Boxing Organization Junior Featherweight Champion title.

Bukod dito, nakapagtala si Donaire ng bagong record na 37-3 at 24 knockouts habang si Bedak ay may record na 25-2 at 8 KOs.

Sakabila ng kanyang tagumpa, aminado ang 33 year old na pinoy boxer na kailangan pa niyang mag-ensayo ng mabuti para sa mga mas malalaking laban na kakaharapin nito.

Nagpasalamat naman si Donaire sa libo-libong nanood ng kanyang laban na inialay niya sa kanyang ama at traniner na si Nonito Doinare Sr., na una nang hinulaan na hindi na aabot sa 6 round ang fight kapag pinili ni Bedak na lumaban.

Posibleng kila Carl Frampton at erstwhile tormentor Guillermo Rigondeaux huhugutin ang susunod na makakalaban ng The Filipino Flash.

Read more...