Rainfall advisory, inilabas sa Central Luzon

Naglabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Central Luzon.

Ito ay bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa abiso bandang 8:00 ng gabi, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Zambales, Bataan, at Pampanga.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang nabanggit na lagay ng panahon sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Read more...