Bilang ng nasawi sa pagbagsak ng military plane sa Sulu, umakyat sa 53

Contributed photo

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Cirilito Sobejana, umabot na sa 53 ang nasawi nang bumagsak ang C-130 Hercules cargo plane ng Philippine Air Force (PAF).

Tatlo sa nasabing bilang ay mga residente ng Barangay Bangkal.

Sinabi ni Sobejana na ang ika-50 military personnel na nasawi ay pumanaw dahil sa matinding chemical burns noong Lunes ng gabi, July 5.

Maaring nakalanghap aniya ang sundalo ng usok mula sa nasunog na aircraft na nagpalala ng kaniyang kondisyon.

Lunes ng gabi nang personal na ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpupugay sa mga nasawi at nasugatang sundalo dahil sa aksidente.

Read more...