Bayan kay PNoy: El Niño muna bago ang pulitika

el-nino-phenomenon
Inquirer file photo

Hinamon ng militanteng grupong Bagong Alyansang makabayan (Bayan) si Pangulong Noynoy Aquino na tigilan na muna ang pangangampanya sa kanyang mga kandidato at tutukan ang lumalalang problema ng El Niño at tag-gutom sa malaking bahagi ng Mindanao.

Noong Biyernes ay isang malaking kilos-protesta ang muling ginawa ng ilang mga magsasaka kasama ang mga militanteng grupo para kalampagin ang pamahalaan hingil sa umano’y kawalang-aksyon sa kanilang mga problema.

Nag-rally ang grupo sa harapan ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Koronadal City.

Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaabot sa mga magsasaka ang ipinangakong tulong ng pamahalaan.

Nauna dito ay sinabi ng Agriculture Department na umabot na sa halos ay P10 Billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Bukod sa mga pananim na palay at mais, apektado na rin ngayon ng grabeng tagtuyot ang mga pananim na gulay ng mga magsasaka sa mga bayan ng Polomolok, Tantangan, T’boli, Tampakan at Surallah sa South Cotabato.

Pati ang mga taniman sa Cagayan De Oro City at Davao Del Sur ay sinira na rin ng El Niño ayon sa Bayan.

Read more...