Bilang ng nabigyan ng COVID-19 vaccine sa Quezon City, higit 900,000 na

Lagpas 900,000 na ang bilang ng naturukan ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng #QCProtekTODO vaccination program.

Umabot na sa kabuuang 901,839 ang naiturok na COVID-19 vaccine sa lungsod hanggang sa araw ng Martes, July 6.

Sa nasabing bilang, 663,828 o 35.05 porsyento ng 1.7 milyong target population ang nabigyan ng unang dose habang 238,011 o 14 porsyento naman ang second dose.

Sa ngayon, patuloy ang pag-arangkada ng vaccination program sa lungsod.

Muling hinikayat ang publiko na magpabakuna na para maabot ang population protection sa QC.

Read more...