Malakihang media coverage sa huling SONA ni Pangulong Duterte, malabo pa – Velasco

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na malabo pang magkaroon ng malakihang media coverage sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Imposible pa aniya na magsagawa ng malaking media coverage sa Batasan Complex dahil isa sa iniiiwasan ay maging “super spreader” event ang SONA.

Ang government channel na PTV4 at RTVM lang ang papayagang makapasok at makapag-cover sa loob ng Batasan.

Tulad noong 2020, hu-hook up na lang ang ibang television at radio stations sa PTV 4 o RTVM.

Samantala, madagdagan ang 50 bisiya na pinayagan noong 2020.

Sa panig ng Kamara, posibleng 100 hanggang 150 mambabatas ang papayagang makapasok sa SONA habang 40 naman sa Senado.

Sa nasabing bilang, hindi pa aniya kasama ang iimbitahang bisita ng Malakanyang.

Para matiyak ang kaligtasan ng lahat at ng Pangulo, mga fully vaccinated na indibiduwal lamang ang papayagang makadalo sa SONA at kailangan pa ring magpakits ng negative RT-PCR test result at sumailalim sa antigen sa mismong araw ng SONA.

Read more...