BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 49,000; 4,114 ang bagong naitala

Lagpas 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (July 6), pumalo na sa 1,445,832 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 49,613 o 3.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,114 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.9 porsyento ang asymptomatic; 1.62 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 104 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 25,296 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,086 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,370,923 o 94.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...