Palasyo sa nalalapit na boxing match ni Pacquiao: “Best of luck”

Photo credit: Sen. Manny Pacquiao/Facebook

“Best of luck.”

Ito ang mensahe ng Palasyo ng Malakanyang kay pambansang kamao at Senador Manny Pacquiao sa nalalapit na laban kay Errol Spence sa August 21 sa Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maikakaila na magaling si Pacquiao sa larangan ng boksing.

Pero ayon kay Roque, hanggang doon na lamang ang kagalingan ni Pacquiao at hindi sa iba pang larangan.

“Whether or not natuloy, pakitanong lang po si Senator Pacquiao. Whether or not wish him luck, of course, we wish all Filipinos the best of luck in whatever they do best. And pagdating po kay Manny Pacquiao, he is best in the boxing ring and probably not as good elsewhere,” pahayag ni Roque.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banat ni Pacquiao na triple na umano ang korupsyon sa pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Hamon ng Pangulo kay Pacquiao, pangalanan ang mga ahensya ng gobyerno na talamak ang korupsyon.

Bilang tugon, ibinunyag ni Pacquiao ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Department of Energy na talamak ang korupsyon.

Read more...